KARUNUNGANG BAYAN SA PAGLINANG NG KRITIKAL AT MORAL NA KAISIPAN
ABSTRAK Ang karunungang bayan ay isa sa mga akdang pampanitikan na naglalayong hubugin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kanilang kagandahang asal at kritikal na pag-iisip. Ngunit sa pagpasok ng modernong panahon, ilan sa mga kabataan ay nakalilimutan na kung ang kahalagahan ng karungang bayan bilang bahaging pamana ng ating mga ninuno sa kasaysayan. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Baitang 8 mula sa mga pampublikong paaralan sa Bayan ng Victoria patungkol sa karunungang bayan, partikular sa mga anyong salawikain, sawikain, at bugtong. Tinataya rin nito kung paano nakatutulong ang mga tradisyunal na anyo ng karunungan sa paglinang ng kritikal at moral na kaisipan ng mga kabataan. Ginamit sa pag-aaral ang descriptive-correlational na disenyo na sinusuportahan ng structured questionnaire at interval scale upang makalap ang datos mula sa mga mag-a...