African Swine Fever: Isang Hamon sa Industriya ng Baboy at sa Seguridad ng Pagkain
Taong 2019, nagsimula ang pagkalat ng ASF sa bansa, na nagresulta sa pagkamatay ng milyun-milyong baboy. Ang pagkalat ng sakit ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng baboy at nagkaroon ng negatibong epekto sa mga negosyqnte at mga nag-aalaga ng baboy. Ang African Swine Fever (ASF) ay isang seryosong banta sa seguridad ng pagkain sa Pilipinas. Ang baboy ay isang mahalagang pinagkukunan ng protina para sa mga Pilipino. Ang pagkalat ng ASF ay maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay ng karne ng baboy at pagtaas ng presyo ng pagkain. Dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansang Pilipinas maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at naghirap lalong-lalo na ang mga nagbebenta ng mga karne na kung saan ito ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Naging malaking balakid ito sa mga nagtitinda at mamimili dahil ang usaping ito ay mabilis na nakahahawa sa kapwa nila baboy. Maraming mga nagbababuyan ang nagrereklamo at nalugi dahil ang ilan sa kanila ay naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) at ang ilan sa mga ito ay namatayan ng maraming baboy. Batay sa aking mga napapanod at naririnig, maraming mga baboy ang itinatapon at ibinabaon sa lupa , ang iba naman ay natatagpuan sa dagat na kung saan namataan ang isang barko na nagtatapon ng mga nahawaan ng African Swine Fever (ASF) na kung saan ang mga ito ay nagpalutang-lutang sa iba’t ibang kapuluan ng Mindoro. Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) kung paano maiiwasan ang malawakang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa Pilipinas. Upang mapigilan ang pagkalat ng ASF, mahalaga ang mga sumusunod na hakbang: 1. Pagpapatupad ng mahigpit na mga patakaran sa biosecurity sa mga sakahan ng baboy.2. Pagsusuri ng mga baboy para sa ASF, 3. Pag-iwas sa pagpasok ng mga nahawaang baboy o mga produkto ng baboy sa bansa, 4. Pagpapalaganap ng kamalayan sa publiko tungkol sa ASF.
Ang African Swine Fever (ASF) ay isang malaking hamon sa industriya ng baboy at sa seguridad ng pagkain sa Pilipinas. Kailangan ang mga pagsisikap ng pamahalaan, mga magsasaka, at ng publiko upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at maprotektahan ang industriya ng baboy.
Comments
Post a Comment